<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2564701274700668207?origin\x3dhttp://nakaretainersako.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
mY eLiXiR Of LiFe ♥ ♥ ♥ ♥
November 22, 2008

Visit to Porac :)


today is November 22, 2008..may pasok kami kc PALIHAN namen..para bang day of community service..hmm..nakatulog na ako ng mga 1:30am..at nagcng ako ng 4:45am dahil sa kailangan daw bago 5:30am andun na sa skool..pero un..as usual..nde nasunod ung sched at umalis kami ng mga 6:30am na..napaaga tuloy ng onti ung dating ko..hmpf!..pero anyway..masaya sa bus..haha..katabi ko si ize at c darling olivia...GRBE!..ang kulet ni darling..haha..pra bang may ADHD..super HYPER..haha.. :)) tas kahit anung ialok mong pagkain dun..kakainin at kakainin nia..kaya tawag ko na sa kanya ngayon ay BLACK HOLE!..coze she's eating EVERYTHING..hahaha!!.. :)) kasabay namin sa bus ang aming adviser si Ms. Gineta, Palihan partner si Bb. Paragas, at sina Gng. Sacdalan at Gng. Bayle..pero kahit na ganun...ang gulo pa rin namin..haha..at ang ingay.. :P party people kami ni darling kc kung anu-ano na lang pinapatugtog namin..mula sa ipod at cp ko,hanggang cp ni ate carla, tas ipod ni andy..odba..haha..BONGGA!..nakakapagod makaparty kasama olivia..para siyang hindi nauubusan ng asukal sa katwan..haha..:D ayan tuloy..madali ako nalowbat..haha..but no doubt!..I HAD FUN!..si ize naman behave..nagugulat nalang ako biglang aaching..haha..(peace!.. :D) tas kapag katabi mo rin un..sagana sa pagkain..parang katabi mo na c santa claus..everything is provided!.haha..dami food, candy, tubig,..haha..aus!..dumating na ata kami sa porac mga 10 something?..ewan..bsta un..nakita na namin ang mga kapatid naming katutubong ita..malugod nila kaming tinanggap at talga namang natuwa ako..napakabaet nilang mga tao..honestly, i admire them..malalaman niyo sa mga susunod na ittype ko kaya ituloy lang ang pagbsa..xnxa mahaba.. :)) so aun..nagkaroon ng presentasyon ang mga mag-aaral sa kinder..ang kyut kyuut nila!..haha..naaliw tuloy ako..tas sumunod ang presentasyon ng mga mag-aaral na nasa baitang 1-6..kumanta sila at sumayaw..mayroong isang pagkakataon na may kinanta sila na naglalarawan ng kanilang kasalukuyang kalagayan..muntik na akong maiyak dahil sa liriko ng kantang un...talgang nakapagpapalambot ng puso..ang nasa isip ko tuloy nun..sana mas malaki pa ang magawa ko para sa kanila..tunay nga na iba ang kanilang kultura, pisikal na anyo..ngunit kami ay magkakapatid..kapwa mga pilipino na nararapat magkaisa tungo sa kaunlaran..nais ko pa silang matulungan..sana may magawa pa ako at mabigyan pa ng susunod na pagkakataon..matapos ang maikling programa ay nagsimula na kaming magturo..nung una..sabi raw na sa isang teresyana ay may dalawang bata na tuturuan..ngunit dahil sa marami ang mga mag-aaral..ay naging ganito:sa isang teresyana ay may tatlong bata ang tuturuan..ang natapat sa akin ay sina dave, le-ann, at elena..binigyan kami ng mga worksheets na kailangan naming ipasagot at ituro sa kanila..habang sila ay aking minamasdan at tinuruan..eto ang aking mga napansin..unahin ko si dave: si dave ang nag-iisa kong lalaking alaga..masasabi kong matalino siyang bata..dahil marunong itong sumagot at mabilis matuto..mhiyain ngunit ramdam mo ang kagustuhan niyang matuto..pinapahalagahan niya rin ang lahat ng gamit na mayroon siya..lalo na ang mga school supplies na aking inihandog..katulad ng 2 lapis at walong krayola..manghang-mangha ako sa batang ito.. :)..ang susunod naman na aking ilalarawan ay si le-ann: matalino rin si le-ann..palangiting bata kc kapag nginignitian ko siya ay ngumingiti rin siya sa akin..siya ang batang tlgang marunong makihalubilo..ramdam ko rin sa knya ang kagustuhang matuto.. katulad din ni dave,pinapahalagahan niya ang mga gamit niya..ayan..ang huli kong ilalarwan ay si elena: sa totoo lang..si elena ang hindi ko kaagad nakilala dahil wala siyang nametag..nung una kong tinanong kung anu ang pangalan niya ay hindi siya sumasagot..kaya tinignan ko ang sinulat niya sa papel na katabi ang salitang "name:"..at hulaan niyo kung ano ang nakalagay.."KOKT"..yan ang nakasulat.kaya akala ko..ayan tlga ang pangalan niya..ang akala ko nga ay kat dapat..kasi ang hirap naman basahin nun noh..pero buti matapos ang ilang minuto ay tinanong ko ulit siya at nalamang elena nga..sa tingin ko ay matalino rin naman si elena ngunit madaling mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay..dahil lingon siya ng lingon habang hindi ako nakatingin..nahuli tuloy siya sa pagsagot..kaya talgang tinutukan ko siya..makalipas ang ilang oras..ay nagdasal kami at kumaen sila ng recess..natutuwa ako sa knila at lubos kong pinagmamalaki dahil kung ikukumpera mo sa ibang bata ay talgang disiplinado sila sa kanilang edad na ganoon..kapg sinabi mong dasal..lahat sila ay poposisyon na..at makikisama sa pagdarasal..hinangaan ko rin sila sa knilang pagiging magalang at matapat..dahil kinukuha lamang nila ang sa kanila..ayan..tapos na sla kumaen..nagturuan kami ng mga kanta at sayaw..hindi pa gaanong dalubhasa ang mga kinder kids sa salitang tagalog kaya minsan sinasagot nila ay salitang kapampangan..ngunit mabuti naman ay nagkakaintindihan pa rin kami..naglaro rin kami ng sasara ang bulaklak bubuka ang bulaklak..o bsta un..di ko lam kung yan tlga title eh..haha..tas biro mo..ako ang ginwang taya..sweet nu?..haha..joke..aun..tas nagdasal ulet at kumaen ng tanghalian..akala ko ay dalawa lamang ang aking tuturuan kaya dlawa lang ang lalagyan ko ng pagkain..buti nalang may takip pa ng tupperware si krizia at un ang ginamit ng isa ko pang alaga na si elena.. (thank you KRIZIA!)..ang hirap hatiin nung manok at karne kaya ako naghimay ng ulam nila..medyo nahihirapan din sila sa pagsubo..kaya ako ang nagsubo sa kanila..sa totoo lang..hindi na ako kumaen ng tanghalian..pero tuwang-tuwa ako kapag sinusubuan ko sila at pinagsisilbihan..minsan lang naman kc ako gumwa ng ganoon kaya talgang lulubusin ko na..matapos nun..nagkaroon na kami ng pangwakas na programa..tunay na nakakapagod ang karanasang iyon para sa akin ngunit ako tlga ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataon..nakauwi na ako sa bahay ng mga 6:30pm..walang tao maliban sa aming katulong dahil nagcmba raw sila..Christ the King na kc..kaya ayon..buti nalang at may misa sa lunes..maayos na sana ang araw ko..pero pagdating nung gabi..matapos namen maggabihan..tinotopak nanaman tatay ko..dahil nanaman sa hindi siya nabigyan ng pera ni mama..nakita lang si ana na naglalaro ng psp nagalit na at sinabing itapon na raw iyon at sa halip ay magbasa kami ng libro..magiging bobo raw kami..hindi yan ang eksaktong mga salita..pero ganyan ang mensahe..nainis ako bigla..kc naman..nabasa na nga ata ng kapatid ko LAHAT ng libro sa library namin at sinabihang nde raw siya nagbabasa?..tas nung sinabihan kc ung kapatid ko..katabi lang niya ako nun..tumutugtog ng gitara..kaya miski ako..natamaan..at syempre sinong maiinis..honor na nga kami sa loob ng maraming taon at nagsusunog ng kilay para lang magkaroon ng matataas na marka ngunit hindi pa rin sapat..nakakasakit kaya un sa damdamin..hay..aun..hanggang diyan nalang muna..kaya ko naisipang magblog kc kailangan kong mailabas nilalaman ng loob ko..