<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2564701274700668207?origin\x3dhttp://nakaretainersako.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
mY eLiXiR Of LiFe ♥ ♥ ♥ ♥
November 25, 2008

Pagsagwan sa Alon ng Karunungan


May dalawang pangkalahatang paraan upang ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumawak at umunlad. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na edukasyon at karanasan. Aking pinaniniwalaan na may ilang bagay na ating matututunan sa karanasan na hindi natin makukuha sa pormal na edukasyon at ang halimbawa nito ay ang karunungan.
Noong ako’y nasa ikatlong taon pa lamang ay nagkaroon ng pangkatang gawain ang aming klase sa disiplinang Pananaliksik o kung tawagin sa ingles ay Research. Hinati kami sa walong pulutong at nabilang ako sa ikaanim na pangkat. Naatasan kaming sumiyasat ng eksperimentong aming isasagawa para sa Oral Defense. Nakilala ko na ang aking mga kasama at umaasang magiging matagumpay ang gawain. Sa proseso ng paggawa, hindi naging produktibo ang grupo. Ito ay dahil hindi nila naisusumite sa tamang oras ang inatas ko sa kanilang mga tungkulin. Kung may maibibigay man sila ay hindi ito malaman at halatang kinopya lamang sa internet. Dahil dito, lagi kong binabago ang kanilang sinulat at sa tingin ko ay parang ako na ata ang gumawa ng lahat – ang panimula, pagsasalaysay ng problema, materyales, sakop at limitasyon, kahalagahan ng gawain, konklusyon, atbp. Hindi ito naging madali para sa akin dahil naging madalas na ang aking pagpupuyat at humina ang aking resistensya. May dumating pa na pagkakataon na gising pa ako hanggang alaskwatro ng umaga. Martir?Oo sa paningin ng marami ngunit ginawa ko lamang ito dahil nakakapagod ding umasa at maghintay sa wala. Mahirap din silang pakiusapan, parang bang pasok sa kaliwa labas sa kabila. Patuloy akong nagtiwala sa kanila na kahit sa mismong pagdadaos ng eksperimento ay matutulungan nila ako. Sa araw ng paggawa ay inaamin kong naging aktibo sila ngunit naging mistulang biro ang aktibidad na iyon. Lubos na ikinasama pa ng loob ko dahil mali ang kinalabasan nito. Hindi na kami nabigyan ng isa pang pagkakataon na ulitin ang eksperimento sa paaralan kaya sa bahay na lamang ito isinagawa. Sa kasamaang palad, wala sa kanila ang nagkusang pumunta at tumulong kaya ako na lamang mag-isa ang umulit. Nagsilbing matinding hamon ito sa akin dahil talaga namang ako ang gumastos para sa mga kasangkapan na kinakailangan. Minsan ay kailangan ko pa itong ulit-ulitin kaya mahabang panahon din ang aking ginugol at sinakripisyo. Kabilang na rito ang ilang mga araw na ako’y lumuluha na dahil sa dagsakan ng proyekto na sumabay. Madalas akong nawawalan ng pag-asa ngunit patuloy na dumadalangin sa Panginoon at humingi ng gabay at lakas. Wala akong matalik na kaibigan kaya ang Diyos at aking pinakakamahal na ina lamang ang madalas kong takbuhan. Natapos na rin ang mga sulating papel at dumating na ang mismong araw ng Oral Defense na sumaktong araw din ng aking kaarawan. Sa inyong palagay, ano ang nangyari?Dahil sa ako ang gumawa ng mga iuulat, ako lang halos ang nagsalita. Natuwa ako dahil sa wakas tapos na ngunit sa paglabas ng mga grado ay ako pa ang nakakuha ng pinakamababa sa aming grupo. Pawang isang malakas na dagok ito sa aking dibdib. Kinausap ako ng gurong namamahala sa aming klase at kaya raw naging ganoon ang aking grado dahil sa may ilang mga indibiduwal na eksperimento ang hindi ko naisumite. Sa totoo lang ay tapos ko na ang mga gawaing iyon sa mismong araw, hindi lamang nailinaw sa akin na kailangan palang sa recess at hindi sa oras ng asignatura ibibigay. Sinubukan kong magpaliwanag ngunit ang aming guro ay hindi man lamang nagbigay-pansin sa akin.
Natapos ang taon at tinanggap ko na ang lahat ng ito. Lagi ko na lamang isinasaisip na talagang ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Hindi man ito naging patas ngunit naniniwala akong may dahilan ang Diyos kung bakit niya ito pinahintulutang mangyari. Wala akong sinisisi kahit na nung una’y talagang nagkaroon ako ng sama ng loob. Lubos akong nagpapasalamat sa Maykapal sa pagbibigay sa akin na lakas at kagalingan dahil sa pagkatapos ng gawain ay naospital ako’t nagkaroon ng sakit na gastroenteritis with dehydration. Siguro nga ang karanasan kong ito ay pawang simple lamang kung ikukumpara sa iba ngunit sa kabila ng kapayakan nito ay nasubok ang aking pagkatao at lumabas ang tunay kong karakter. Matapos ang pangyayaring ito, lumakas na ang aking loob at natuto na akong lumaban. Naging prinsipyo ko ang hindi paghintulot sa iba na ako’y muling pagsamantalahan. Sa kabila ng dami ng mga gawain ay natanto kong dapat na alalahanin pa rin ang kalusugan at maglaan ng panahon para sa sarili. Aking natutunan na sa pagharap ng mga alon sa buhay ay nariyan ang Diyos na nagbibigay liwanag sa bawat kadiliman ng kawalan ng pag-asa at nagsisilbing lakas sa bawat kahinaan. Tunay na isa pa lamang ito sa mga hamon ng buhay kaya’t sa aking pagsagwan at paglalakbay, laging kalakip ng aking puso’t isipan ang karunungang aking natutunan at ang kapit sa Maykapal ay patuloy na tatatag kahit na ilang dagok man ang aking matamo.
November 22, 2008

Visit to Porac :)


today is November 22, 2008..may pasok kami kc PALIHAN namen..para bang day of community service..hmm..nakatulog na ako ng mga 1:30am..at nagcng ako ng 4:45am dahil sa kailangan daw bago 5:30am andun na sa skool..pero un..as usual..nde nasunod ung sched at umalis kami ng mga 6:30am na..napaaga tuloy ng onti ung dating ko..hmpf!..pero anyway..masaya sa bus..haha..katabi ko si ize at c darling olivia...GRBE!..ang kulet ni darling..haha..pra bang may ADHD..super HYPER..haha.. :)) tas kahit anung ialok mong pagkain dun..kakainin at kakainin nia..kaya tawag ko na sa kanya ngayon ay BLACK HOLE!..coze she's eating EVERYTHING..hahaha!!.. :)) kasabay namin sa bus ang aming adviser si Ms. Gineta, Palihan partner si Bb. Paragas, at sina Gng. Sacdalan at Gng. Bayle..pero kahit na ganun...ang gulo pa rin namin..haha..at ang ingay.. :P party people kami ni darling kc kung anu-ano na lang pinapatugtog namin..mula sa ipod at cp ko,hanggang cp ni ate carla, tas ipod ni andy..odba..haha..BONGGA!..nakakapagod makaparty kasama olivia..para siyang hindi nauubusan ng asukal sa katwan..haha..:D ayan tuloy..madali ako nalowbat..haha..but no doubt!..I HAD FUN!..si ize naman behave..nagugulat nalang ako biglang aaching..haha..(peace!.. :D) tas kapag katabi mo rin un..sagana sa pagkain..parang katabi mo na c santa claus..everything is provided!.haha..dami food, candy, tubig,..haha..aus!..dumating na ata kami sa porac mga 10 something?..ewan..bsta un..nakita na namin ang mga kapatid naming katutubong ita..malugod nila kaming tinanggap at talga namang natuwa ako..napakabaet nilang mga tao..honestly, i admire them..malalaman niyo sa mga susunod na ittype ko kaya ituloy lang ang pagbsa..xnxa mahaba.. :)) so aun..nagkaroon ng presentasyon ang mga mag-aaral sa kinder..ang kyut kyuut nila!..haha..naaliw tuloy ako..tas sumunod ang presentasyon ng mga mag-aaral na nasa baitang 1-6..kumanta sila at sumayaw..mayroong isang pagkakataon na may kinanta sila na naglalarawan ng kanilang kasalukuyang kalagayan..muntik na akong maiyak dahil sa liriko ng kantang un...talgang nakapagpapalambot ng puso..ang nasa isip ko tuloy nun..sana mas malaki pa ang magawa ko para sa kanila..tunay nga na iba ang kanilang kultura, pisikal na anyo..ngunit kami ay magkakapatid..kapwa mga pilipino na nararapat magkaisa tungo sa kaunlaran..nais ko pa silang matulungan..sana may magawa pa ako at mabigyan pa ng susunod na pagkakataon..matapos ang maikling programa ay nagsimula na kaming magturo..nung una..sabi raw na sa isang teresyana ay may dalawang bata na tuturuan..ngunit dahil sa marami ang mga mag-aaral..ay naging ganito:sa isang teresyana ay may tatlong bata ang tuturuan..ang natapat sa akin ay sina dave, le-ann, at elena..binigyan kami ng mga worksheets na kailangan naming ipasagot at ituro sa kanila..habang sila ay aking minamasdan at tinuruan..eto ang aking mga napansin..unahin ko si dave: si dave ang nag-iisa kong lalaking alaga..masasabi kong matalino siyang bata..dahil marunong itong sumagot at mabilis matuto..mhiyain ngunit ramdam mo ang kagustuhan niyang matuto..pinapahalagahan niya rin ang lahat ng gamit na mayroon siya..lalo na ang mga school supplies na aking inihandog..katulad ng 2 lapis at walong krayola..manghang-mangha ako sa batang ito.. :)..ang susunod naman na aking ilalarawan ay si le-ann: matalino rin si le-ann..palangiting bata kc kapag nginignitian ko siya ay ngumingiti rin siya sa akin..siya ang batang tlgang marunong makihalubilo..ramdam ko rin sa knya ang kagustuhang matuto.. katulad din ni dave,pinapahalagahan niya ang mga gamit niya..ayan..ang huli kong ilalarwan ay si elena: sa totoo lang..si elena ang hindi ko kaagad nakilala dahil wala siyang nametag..nung una kong tinanong kung anu ang pangalan niya ay hindi siya sumasagot..kaya tinignan ko ang sinulat niya sa papel na katabi ang salitang "name:"..at hulaan niyo kung ano ang nakalagay.."KOKT"..yan ang nakasulat.kaya akala ko..ayan tlga ang pangalan niya..ang akala ko nga ay kat dapat..kasi ang hirap naman basahin nun noh..pero buti matapos ang ilang minuto ay tinanong ko ulit siya at nalamang elena nga..sa tingin ko ay matalino rin naman si elena ngunit madaling mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay..dahil lingon siya ng lingon habang hindi ako nakatingin..nahuli tuloy siya sa pagsagot..kaya talgang tinutukan ko siya..makalipas ang ilang oras..ay nagdasal kami at kumaen sila ng recess..natutuwa ako sa knila at lubos kong pinagmamalaki dahil kung ikukumpera mo sa ibang bata ay talgang disiplinado sila sa kanilang edad na ganoon..kapg sinabi mong dasal..lahat sila ay poposisyon na..at makikisama sa pagdarasal..hinangaan ko rin sila sa knilang pagiging magalang at matapat..dahil kinukuha lamang nila ang sa kanila..ayan..tapos na sla kumaen..nagturuan kami ng mga kanta at sayaw..hindi pa gaanong dalubhasa ang mga kinder kids sa salitang tagalog kaya minsan sinasagot nila ay salitang kapampangan..ngunit mabuti naman ay nagkakaintindihan pa rin kami..naglaro rin kami ng sasara ang bulaklak bubuka ang bulaklak..o bsta un..di ko lam kung yan tlga title eh..haha..tas biro mo..ako ang ginwang taya..sweet nu?..haha..joke..aun..tas nagdasal ulet at kumaen ng tanghalian..akala ko ay dalawa lamang ang aking tuturuan kaya dlawa lang ang lalagyan ko ng pagkain..buti nalang may takip pa ng tupperware si krizia at un ang ginamit ng isa ko pang alaga na si elena.. (thank you KRIZIA!)..ang hirap hatiin nung manok at karne kaya ako naghimay ng ulam nila..medyo nahihirapan din sila sa pagsubo..kaya ako ang nagsubo sa kanila..sa totoo lang..hindi na ako kumaen ng tanghalian..pero tuwang-tuwa ako kapag sinusubuan ko sila at pinagsisilbihan..minsan lang naman kc ako gumwa ng ganoon kaya talgang lulubusin ko na..matapos nun..nagkaroon na kami ng pangwakas na programa..tunay na nakakapagod ang karanasang iyon para sa akin ngunit ako tlga ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataon..nakauwi na ako sa bahay ng mga 6:30pm..walang tao maliban sa aming katulong dahil nagcmba raw sila..Christ the King na kc..kaya ayon..buti nalang at may misa sa lunes..maayos na sana ang araw ko..pero pagdating nung gabi..matapos namen maggabihan..tinotopak nanaman tatay ko..dahil nanaman sa hindi siya nabigyan ng pera ni mama..nakita lang si ana na naglalaro ng psp nagalit na at sinabing itapon na raw iyon at sa halip ay magbasa kami ng libro..magiging bobo raw kami..hindi yan ang eksaktong mga salita..pero ganyan ang mensahe..nainis ako bigla..kc naman..nabasa na nga ata ng kapatid ko LAHAT ng libro sa library namin at sinabihang nde raw siya nagbabasa?..tas nung sinabihan kc ung kapatid ko..katabi lang niya ako nun..tumutugtog ng gitara..kaya miski ako..natamaan..at syempre sinong maiinis..honor na nga kami sa loob ng maraming taon at nagsusunog ng kilay para lang magkaroon ng matataas na marka ngunit hindi pa rin sapat..nakakasakit kaya un sa damdamin..hay..aun..hanggang diyan nalang muna..kaya ko naisipang magblog kc kailangan kong mailabas nilalaman ng loob ko..
November 14, 2008

nilibre kami ni ate carla.. :D



HAPPY BIRTHDAY ATE CARLA!..haha..sa totoo lang birthday nia nung november 11..kso aun..ngaun nia kami nilibre eh.!.. hahaha..THANK YOU!..ganito un..pumunta kami ng trinoma after classes kaso medyo nahuli ako kc nagkaroon kami meeting with mrs. rdk..ok naman na sana pagdating ko sa trinoma..kso kmusta naman..bgla akong "dinatnan"..hmpf!..lagi nalang ganun.. :s buti nalang walang nangyaring bsta un..haha..nkita ko na c tom na kasama nila..siya ung lalaking best friend daw ni ate ca..mabaet naman un..at kahit papaano friendly so ok lang. :D kumaen kami sa yellow cab at kahit na apat lang kami..ung size nung pizza is 16 inches ata?..tama ba..bsta ung pinakamalaki sa yellow cab..eh grbe..syempre di nmin un mauubos nu!..grbe namang katakawan kung masisimot namin un..after ng ilang minutes..dumating ung isa pa niang friend na crush ni ate..name nung guy marvin..ok...haha..nung una kong makita..ang nasa isip ko..ai..kamukha ni ate..no doubt!..haha..kmsta naman yan.. :)) ah..bsta..ayan..bandang mga 8 umalis na cla at pumunta ng eastwood..kami naman nila ate carla at tin ay naglaro sa timezone at tumawid tungong sm the block..haha..at ang resulta ay..SOBRANG SAKIT NG LIKOD AT MGA BINTI KO NGAUN..takte..haha..pero kahit na ganun..i can't deny that we really had fun..mga 10:30pm na ata kami nakauwi..at eto pa pla..sinusubukan namin ni tin na surpresahin si ate kso maxado xang magaling at lagi niya nahuhulaan..haha..pero mas magaling pa rin kami ni tin..kaya before matapos ang araw ay nakabili kami ng gift secretly..haha..niligaw ko si ate ca habng humiwalay si tin at bumili nung gift..oh dba..ang galing..haha..so aun.. :D pagkauwi ko sa bahay..dala ko ung pasalubong na tira sa yellow cab kso tulog na si ana banana..kaya kinaen ni ate ung iba..haha..tinawagan ko na kagad asawa ko syempre miss ko na asawa ko.. :)) buti nga nde xa nagtampo ksi nde ko siya nattxt ng maaus..mahal na mahal ko tlga un.. :D oxa..hanggang dito na lang muna..usap na raw kami..haha..ngayon nagtapos ang blog ko ng 12:41am.. xoxo..
November 13, 2008

Puyat moments


okay..so 1:40 am na at di pa ako tulog..kamusta naman yan..ilang araw na ako puyat..goodluck sa eyebugs..haha..antagal ko ng nde nakakapagpost dito sa blog ko..sobra kc andameng gngwa..napakarami pa naman ng gusto kong ikwnto..hmm..dbli sbhin ko na lang ngaun ang natatandaan ko..so un nga..ilang araw na akong puyat..ilang araw na ring puyat ang asawa ko..inaantay nia kc ako kso aun..nde na niya nakakaya minsan kaya nakakatulog..haha..pero aus lang saken..mas gusto ko nga na nakapagpapahinga xa eh..late ako nakauwi ngaun dahil sa nagkaroon kami ng meeting kay mrs rdk..para raw sa paascu..haha..tas sa bandang dulo..parang nagkaroon ng lesson..honestly natutuwa ako sa topic namin ngayon hindi dahil sa madali pero dahil very applicable to our lives..hmm..okay..maiba ako..nung isang araw ang emo ko..ewan ko kung bakit..mga wednesday ata un or tuesday..c roland tuloy ang nabuntungan ko at ung aswa kong c dexter..haha..nung una..nwawala gamot ko..un pla..accidentally naitapon..o dba..how nice..eh para sa therapy ko un..nung unang nde pa mahanap..nalungkot ako eventually umiyak..sori naman iyakin eh..tas hanggang maging emotional na ako ng tuluyan napunta sa topic ung friendship..long story..ikwnto ko next time :p dahil todo puyat na ako at akoy nahihilo na..haha..bangag moments tlga toh bukas..naway di ako makatulog sa klase..eto n last na kwento..may kumakalat na site na www.hotel626.com..sabi raw nila nakakatakot daw na online game..haha..kaya pinuntahan ko naman..gusto ko kc mathrill..tas aun..hulaan nio anu nangyari..natrauma ako!..hahaha..ung kpatid ko ayaw na tlga..kahit nde pa nia nakikita..daya..hahaha..rawe!..oxa..hanggang dito na lang muna..love love love..

-elixir-