Grabe..napakamalas naman..kung kailan nilubus-lubos ko ang pag-aaral sa mahabang pagsusulit sa disiplinang musika at araling pangkabuhayan(TLE) ay wala pa lang pasok kinabukasan dahil sa bagyong igne..Hindi pa ako sumama sa "the block" at nagkulong sa bahay..grr.. >:( pero ano pa nga ba ang aking magagawa..hmpf!
Sa sabado ay kukunin ko na ang aking pagsusulit sa Unibersidad ng Pilipinas.. sa ganap na alasais imedya ng umaga hanggang alasdose imedya ng tanghali sa Kolehiyo ng Sining at Literatura..
ang masaklap ay hindi pa ako gaanong nakakapag-aral para dito dahil sa dami ng aming ginagawa sa paaralan..Ang isa pa ay hindi ko pa natatapos basahin ang nobelang El Fili at may mahaba na kaming pagsusulit sa martes..mayroon pang mga pangkatang gawain at ilang takdang-aralin..grabe..hindi ko na alam kung anu-ano ang aking uunahin..

